St. John the Baptist Parish, also known as "Longos Church" of the Roman Catholic Diocese of San Pablo was established on 1669. It is located in Brgy. Longos, Municipality of Kalayaan, Province of Laguna. The Parish Fiesta is celebrated every 24th day of June in honor of St. John the Baptist.
Mula sa tatlong dating barrio ng Bayan ng Paete, ang Loñgos ay nabuo at naitatag noong taong 1587 sa pangunguna ni San Pedro Bautista, isang Pransiskanong Pari at isang Santo. Ang Loñgos, noong mga panahong iyon ay binubuo ng tatlong barangay. Ito ay ang Babayé, San Pablo, at Abacao. Noong June 2, 1669, naitatag ang Parokya ng Loñgos. Si R. P. Fray Lucas Sarro OFM, ang kauna-unahang Paring nanirahan at nagsilbi sa Simbahan/Parokya ng Loñgos. Ang Bayan ng Loñgos ay matatagpuan sa paanan ng Bundok ng Sierra Madre, sa pagitan ng Bayan ng Paete at ng Lumban. Ang Pangalan o salitang Longos ay isang uri ng anyong lupa. Isang anyong lupa na naka-usli o nakalabas sa Lawa (Laguna). Kaya’t kung ating titingnan ang mga sinaunang Mapa ng Longos, ito ay nakaabante patungo sa Lawa.
source: Bro. Mhel Andrew Valbuena Melitante (Local Historian, Ecclesiastical Designer, Local Liturgical Music Composer and Photographer) (2025)